-- Advertisements --

Umaapela si House Committee on Agriculture chairman Mark Enverga sa bicameral conference committee na lakian ang halaga ng alokasyon ng stimulus fund para sa agriculture at fisheries sector sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Base kasi sa bersyon ng Kamara, nakatakdang tumanggap ng P20-billion allocation ang agriculture at fisheries sector, na gagamitin bilang stimulus fund para sa direct cash o loan interest subsidies at iba pang ayuda sa mga qualified agri-fishery enterprises, farmers at fisherfolks para matiyak ang food security ng bansa.

“While the measure is a positive step in addressing the effects of the pandemic, I am appealing for more fund allocation for the agriculture and fishery sector, hence this should be boosted and supported aggressively,” ani Enverga.

Kaya kung maari ay madagdagan aniya ng P10 billion ang pondo para sa agriculture sector sa ilalim ng Bayanihan 2.

Iginiit ng kongresista na sa iba’t ibang sektor sa ekonomiya, ang agrikultura ang lumago ng 5 percent sa second quarter ng 2020 dahil sa increase sa crops at fisheries production.

Ipinapakita lamang aniya nito na malaki ang papel ng agrikultura sa socio-economic response sa COVID-19 pandemic recovery efforts ng pamahalaan.

Sa oras na madagdagan ang pondo para sa sektor ng agrikultura, naniniwala si Enverga na maraming trabaho at kabuhayan ang mabubuksan sa iba’t ibang panig ng bansa.