Posibleng bawasan ang alokasyon ng tubig para sa irigasyon dahil sa banta ng matinding tag-init.
Ayon kay Engr. Eduardo Guillen matagal na nilang pinaghahandaan ang epekto ng El Niño lalo na sa irigasyon. Mayroon na rin daw silang tiyak na hakbang para harapin ang el niño katuwang ang ilang grupo ng National government agencies.
Sa ngayon tinutugunan na daw ng NIA ang naturang problema sa paraan ng alternate wetting and drying technique para makatipid 20% ng patubig.
Sa monitoring ng ahensya, maaaring maapekuhan ang supply ng tubig sa irigasyon ng buong bansa.
Samantala, patuloy pa rin sa pagbaba ang antas ng tubig sa anim na dam sa bansa, pangunahin dito ang Angat Dam.
Ayon sa protocol ng Angat dam kapag bumababa ng 180 meters ng reservoir elevation ay mababawasan din ang alokasyon ng tubig sa irigasyon. Sa ngayon ay nasa 180.89 meters na ang antas ng tunig sa angat dam kung saan pababa na sa critical level o minimum operating level na 180 meters.
Kapag bumaba ang elevation nang 180 meters, prayoridad na mabigyan ng tubig ang domestic water supply.
Maliban sa pagbabawas ng alokasyon ng tubig para sa irigasyon posible ring malimitahan ang kontribusyon ng angat dam sa power generation sa Luzon, at sa mga kalapit na lugar.