MANILA – Umapela ang OCTA Research Group sa pamahalaan na i-sentro muna sa mga lugar na may matataas na bagong kaso ng COVID-19 ang alokasyon ng mga bakuna.
Ayon sa OCTA, 80% ng mga bagong kaso ng coronavirus na naitala ngayong taon ay mula sa National Capital Region, Calabarzon, Central Luzon, at Central at Western Visayas.
Inirerekomenda ng grupo ang hanggang 45% allocation ng mga bakuna sa Metro Manila.
Habang 15 to 20% sa Calabarzon, 10% sa Central Luzon, 6% sa Central Visayas, at 4% sa Western Visayas.
“A national rollout program based solely on population, regardless of risk levels of each province or LGU, will delay pandemic and economic recovery in the country due to global supply chain issues. The country cannot afford to wait another year to reach herd immunity,” ayon sa OCTA.
Ang matitirang supply ng bakuna ay pwede na raw ibahagi sa iba pang lugar ng bansa, pero dapat pa rin unahin ang mga nasa “high risk.”
Batay sa huling datos ng Department of Health, higit 4-million doses ng bakuna na ang naiturok sa mga Pilipino.