-- Advertisements --

Ikinasal na ang vlogger na si Alodia Gosiengfiao sa non-showbiz boyfriend nito na si Christopher Quimbo.

Isinabay ng dalawa ang pag-iisang dibdib sa araw ng mga Puso.

Ginanap ang kasal ng dalawa sa Marriot Hotel sa Pasay City.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng mga larawan ng mga pag-iisang dibdib.

Magugunitang noong Hulyo 2022 ng inanunsiyo ni Aloda ang engagement nila ng nobyo.