-- Advertisements --
Maglulunsad ang Commission on Human Rights ng “Alisto! Alert Mechanism” isang inisyatiba para protektahan at suportahan ang karapatan ng mga mamamahayag sa bansa.
Layunin ng naturang komisyon na sa pamamagitan nito ay matutukoy nila ang mga hakbang na maaaring gawin hinggil sa mga insidente na kinasasangkutan ng media workers.
Hakbang rin umano ito ng CHR sa pakikibahagi sa pagdiriwang ng National Press Week ngayong taon.
Ang alert mechanism ay maglalabas ng plataporma para direktang makipag-ugnayan ang media sa naturang komisyon kaugnay sa mga insidente kung saan sangkot ang pag-atake at pagbabanta sa mga mamamahayag.