-- Advertisements --
Muling namayagpag ang pambato ng Pilipinas na si Alexandra “Alex” Eala sa larong tennis sa nagpapatuloy sa US Open Juniors sa New York.
Ito ay matapos na umusad siya sa quarterfinals kasunod ng kanyang pagkapanalo laban kay Taylah Preston ng bansang Australia.
Ginanap ang kanilang third round match sa Court 9 ng USTA Billie Jean King national tennis center sa Flushing Meadows.
Naging mainitan ang naging game ng dalawang magkaribal ngunit sa huli nasungkit ni Eala ang panalo.