-- Advertisements --

May ilang torneo pa na lalahukan si Pinay Tennis star Alex Eala sa mga susunod na linggo.

Una rioa ng pagsabak niya sa clay court sa Linz Openna isang WTA 500 event sa Austria na magsisimula mula Abril 6 hanggang 12.

Ilan sa mga posibleng makaharap nito ay ang mga malalaking pangalan sa tennis gaya nina Emma Raducanu, Clara Tauson, Jelena Ostapenko at ang defending champion na si Ekaterina Alexandrova.

Kabilang na dito ang WTA 500 tournament sa Germany mula Abril 13 hanggang 19.

Makakasama rin ang world ranked 45 na si Eala sa Madrid Open na gaganapin mula Abril 21 hanggagn Mayo 3.

Noong nakaraang taon sa Madrid tournament ay nabigo ito kay Iga Swiatek sa tatlong sets sa ikalawang round.

Magugunitang katatapos lamang ni Eala ang pagsabak sa ilang torneo sa US gaya sa Indian Wells at Miami Open.