-- Advertisements --

Patuloy ang magandang kampanya ni Filipina tennis star Alex Eala matapos niyang talunin si Zhang Shuai ng China sa straight sets, 6-3, 6-2, sa Round of 32 ng WTA 500 HSBC Championships sa London.

Kasunod ito ng kanyang naunang tagumpay sa Birmingham Open, kung saan nakamit niya ang kanyang unang grass-court title.

Sa laban kontra Zhang Shuai, nakulelat si Eala matapos makuha ng beteranong kalaban ang maagang 2-0 lead. Ngunit agad siyang bumawi at nakapuntos ng sunod-sunod na laro para makuha ang unang set, 6-3.

Sa ikalawang set, tuluyang kinontrol ng 19-anyos na Pinay ang laban at hindi na pinakawalan ang momentum hanggang sa makuha ang panalo, 6-2.

Dahil sa panalo, umusad si Eala sa Round of 16 kung saan makakatapat niya si Iva Jovic ng United States, na maaalalang tumalo sa kanya sa French Open noong nakaraang buwan.

Si Jovic ay seeded number 6 sa torneo, kaya inaasahang magiging mahirap na laban para sa Filipina tennis star.