-- Advertisements --
Patuloy ang impresibong performance ni Pinay tennis star Alex Eala sa nagpapatuloy na Jingshan Tennis Open.
Ito ay matapos na magwagi siya laban kay Jia-Jing Lu ng China sa score na 6-4, 6-1 para makapasok na siya sa semifinals.
Sa first set ay hinahabol ni Eala ang lamang ni Lu 2-4 hanggang naitabla nito sa 4-4 at tuluyang nakuha ang panalo.
Susunod niyang makakaharap ang third seeded na si Lulu Sun ng New Zealand.
Si Sun ay ranked world number 146 kung saan umabot pa ito ng career-high ranking na 39 noong Setyembre 2024.