-- Advertisements --

Walang kahirap-hirap na tinalo ni Filipina tennis star Alex Eala si Lucia Bronzetti ng Italy, 6-0, 6-1, para makapasok sa ikalawang round ng 2025 Eastbourne Open.

Sa loob lamang ng mahigit isang oras, ipinakita ni Eala ang lakas ng kanyang laro laban kay Bronzetti, na kasalukuyang may ranked 59th sa mundo. Matapos magtabla sa 1-1 sa second set, tuluyang sinelyuhan ni Eala ang titulo.

Dumaan si Eala sa qualifying rounds kung saan tinalo niya sina Zeynep Sönmez ng Turkey at Hailey Baptiste ng U.S. upang makapasok sa main draw.

Makakaharap niya sa round-of-16 ang mananalo sa laban sa pagitan nina Sonay Kartal ng Great Britain at third seed Jelena Ostapenko ng Latvia.

Matatandaang tinalo ni Eala si Ostapenko noong March sa Miami Open.