Nakatakdang bumalik ang Philippine tennis star na si Alexandra ”Alex” Eala sa Mutua Madrid Open sa Spain matapos ang sunod-sunod na talo sa kanyang clay-court campaign.
Ang world No. 45 na si Eala ay nakatakdang sumabak sa kanyang ikatlong clay tournament simula Abril 21, 2026.
Layunin ngayon ng 20-ayos na si Eala na makabawi matapos ang lumagapak sa Linz Open at Stuttgart Open.
Sa Stuttgart Open, natalo si Eala sa Filipina-Canadian player na si Leylah Fernandez sa iskor na 1-6, 4-6.
Sa kabila ng pagkatalo, nakapukaw siya ng atensyon matapos subukang bumawi sa second set na nagpalapit ng kanyang score bago tuluyang nanalo si Fernandez.
Bago ito, natalo rin si Eala sa Round of 16 ng Linz Open laban kay Jelena Ostapenko sa iskor na 4-6, 5-7, matapos ang nauna niyang panalo sa opening round.
Sa kabila ng mga pagkatalo, nakakuha pa rin siya ng premyong €11,309 o humigit-kumulang P797,000 sa Stuttgart Open.
Pinuri naman ng kampo ni Fernandez, ang determinasyon ni Eala na hindi basta-basta sumusuko sa laban, lalo na sa kanyang paghahabol sa second set.
Ang Madrid Open ay itinuturing na isa sa pinakamalalaking WTA 1000 tournaments sa clay surface, kung saan layunin ni Eala na makabawi at maibalik ang kanyang magandang posisyon.















