-- Advertisements --

Naghahanda na ngayong si Pinay tennis star Alex Eala para susunod na torneo na kaniyang lalahukan sa susunod na buwan.

Matapos kasi ang Round of 16 exit niya sa Miami Open ay sasabak ito sa clay court na 2026 Upper Austria Ladies Linz Open.

Magsisimula ang nasabing torneo mula Abril 6 hanggang 12 na ito ay lalaruin sa indoor clay court ng Design Center Linz.

Nakalista kasi ang 20-anyos na si Eala sa WTA 500 tournament kasama ang ilang mga mabibigat na pangalan sa tennis gaya nina defending champion katerina Alexandrova, Clara Tauson, Emma Raducanu, Emma Navarro, Jelena Ostapenko, at Sorana Cirstea. 

Sa ngayong ay sisimulan nito ang ensayo para sa nasabing torneo.