-- Advertisements --
Naitala ni Filipina tennis star Alex Eala ang isang mabagsik na laban ngunit nabigo sa kamay ng Czech na si Linda Fruhvirtova sa kanilang unang round match sa isang grass-court tournament bilang paghahanda para sa Wimbledon 2025.
Maagang nakuha ni Fruhvirtova ang unang set, 7-5, ngunit nakabawi si Eala sa ikalawang set sa isang dikit na tiebreak win, 7-6(5). Sa ikatlong set, tuluyang umarangkada ang Czech at tinapos ang laban sa iskor na 7-5, 6-7(5), 6-1.
Bagamat natalo, ipinakita ni Eala ang kanyang determinasyon at laban sa halos tatlong oras na sagupaan.
Samantala patuloy na sasabak sa iba pang grass-court tournaments sa UK ang 19-taong gulang na si Alex Eala bago ang kanyang inaabangang debut sa Wimbledon main draw sa Hunyo 30, 2025.