-- Advertisements --

Natapos na ni Pinay tennis star Alex Eala ang kaniyang kampanya sa World’s Tennis Association (WTA) Mutua Madrid Open campaing matapos na ito ay mabigo laban sa World No. 30 na si Sorana Cirstea ng Romania.

Sa loob ng tatlong set ay nadomina ni Cirstea ang laro sa score na 3-6, 7-6(6), 4-6.

Pinilit pa ni Eala na mahigitan ang kalaban subalit hindi pa rin sapat ang kaniyang 3-1 na panalo sa simula.

Dahil dito ay nawala na ang tsansa ni Eala na makaharap sana si World No. 1 na si Iga Swiatek.