-- Advertisements --
Muling umangat ang Woment’s Tennis Association (WTA) ranking ni Pinay tennis star Alex Eala.
Sa inilabas na pinakahuling ranking ay nasa pang-57 na ngayon si Eala.
Inilabas ang ranking bago ang gaganaping WTA 125 Jingshan Tennis Open na magsisimula sa Setyembre 22 hanggang 28.
Magugunitang umabot sa ranked 56 si Eala matapos na mag-runner up sa WTA 250 Eastbourne Open sa Great Britain noong Hunyo.
Sakaling magtagumpay ang Pinay tennis star ay makakamit nito muli ang career high sa ranking.
Ilang torneo ang lalahukan ni Eala pagkatapos ng Jingshan Tennis Open ay sasabak ito Suzhou Open mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 5.