-- Advertisements --

Pinaghahandaan na ni Pinay tennis star Alex Eala ang kaniyang pagsabak sa round 32 ng Miami Open.

Nakatakda kasi nitong makaharap ang Polish tennis player na si Magda Linette.

Ang 34-anyos na si Linette ay may highest career ranking na 19 na kaniyang nakamit noong Marso 2023.

Sa walong finals ng WTA tour ay tatlo dito ang kaniyang napanalunang titulo.

Umabot rin siya sa semifinals ng 2023 Australian Open.

Magugunitang nakapasok sa round 32 ang 20-anyos na si Eala matapos na talunin nito si Laura Siegemund ng Germany.

Sa unang set ay nabigo ang Pinay tennis star subalit pagpasok ng ikalawa at ikatlong round ay doon ipinakita nito ang kaniyang pagiging agresibo.

Maituturing na isang rematch ang laban ng dalawa dahil nagkaharap na sila noong Enero sa Auckland ASB Open.