-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Miami Open.

Ito ay matapos na mabigo siya kay Karolina Muchova ng Czech sa round of 16.

Sa simula pa lamang ay dominado ni Muchova ang laro at nakuha ang 6-0, 6-2 na panalo.

Sinamantala ng world number 14 na si Muchova ang mga nakamit na unforced errors ng 20-anyos na si Eala.

Tinapos nito sa loob ng 22-minuto ang unang set at pagpasok ng ikalawang set ay mabilis na ito nakapasok sa 2-0.

Una ng nagwagi si Muchova sa Qatar Open para sa kaniyang ikalawang single title.

Magugunitang nakaabot sa round of 16 si Eala ng talunin sina Laura Siegemund sa Round of 64 at Magda Linette sa Round of 32.