Isang karangalan para kay Alden Richards ang pagkakasungkit niya ng Asian Star Prize sa 14th Seoul International Drama Awards 2019.
Ayon kay Alden o Richard Reyes Faulkerson Jr. sa tunay na buhay, nagpapasalamat siya na napapansin ng Korean audiences ang Asian talent.
“As a Filipino, I am very humbled and grateful to be recognized in the international scene, along with so many amazing and talented artists here tonight,” saad ng 27-year-old actor.
Itinuturing din ni Alden bilang “extra special” ang parangal dahil nataon pa aniya ito sa pagdiriwang ng 70 years of friendship ng Pilipinas at Timog Korea.
Ang Seoul International Drama Awards ay taunang festival kung saan nagtitipon-tipon ang mga professionals sa larangan ng television drama production at media industry.
Unang nakatanggap si Alden ng international award noong 2018 sa pamamagitan ng New York Festivals silver medal para sa “Alaala.”