-- Advertisements --

Ikinagalit ni Albania Prime Minister Edi Rama ang pagsisi sa kanila ng United Kingdom dahil sa paglaganap ng krimen at problema sa kanilang border.

Sinabi nito na dapat itigil na ng UK ang ginagawa nilang pag-discriminate.

Isa kasi ang mga Albanians sa may pinakamaraming bilang ng mga tumatawid sa border nila ng UK gamit ang mga bangka.

Unang sinabi ng mga UK ministers na dapat bilisan ang pagproseso ng asylum claims ng mga dumarating na Albanians sa kanila.

Noong nakaraang linggo lamang ay mayroong 12,000 Albanians na ang dumating sa UK kumpara sa 50 lamang noong 2020.