Minaliit lang ng gobyerno ng Iran ang initial findings ng Saudi Arabia sa nakaraang insidente ng drone attack sa pinaka-malaking oil processing facility ng estado.

Bumwelta si Iran presidential advisor Hesamodin Ashna matapos tahasang sabihin ng Riyadh na mula sa kanilang bansa ang na-recover na mga debris.

Ayon kay Saudi Defence Ministry spokesperson Col. Turki al-Malki, imposible na manggaling sa kalapit ding bansa na Yemen ang atake.

Hindi raw maikakaila na galing ang mga debris sa Norte at posibleng mula raw ito sa Iran.

“The attack was launched from the north and unquestionably sponsored by Iran,” ani Al-Malki.

“This is the kind of weapon the Iranian regime and the Iranian IRGC are using against the civilian‚Ķ facilities; Despite Iran’s efforts to make it appear so,” dagdag pa nito.

Pero sagot ng Iranian politician, malinaw na mahina ang defence system ng Saudi kaya nalusutan sila ng pag-atake.

Lumalabas din umano na kulang sa kaalaman ang Riyadh hinggil sa mga missiles at drones.

“The press conference proved that Saudi Arabia knows nothing about where the missiles and drones were made or launched from, and failed to explain why the country’s defence system failed to intercept them,” ani Ashna.

Kung maalala, una ng inako ng political at armed movement mula sa Yemen na Houthi rebels ang drone attack.

Nagbanta pa ito ng panibagong pag-atake sa ilang siyudad sa United Arab Emirates na kapartido ng Saudi sa giyera kontra Yemen.

“We announce‚Ķ we have dozens of targets in the UAE – among them Abu Dhabi and Dubai – and they can be targeted at any moment,” ayon sa tagapagsalita ng Houthi na si Yehia Sarea.

“If you want peace and security for your facilities, and towers made of glass that cannot withstand one drone, then leave Yemen alone.”(Al Jazeera)