-- Advertisements --
image 29

Ibinunyag ng talent manager at beteranong showbiz reporter na si Ogie Diaz na natalo ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa kanyang kaso laban sa kanyang mga dating kasambahay na pinalayas daw niya sa kanyang tahanan sa Alabang noong nakaraang taon.

Sa kanyang online platform, sinabi ni Ogie na inutusan ng Department of Labor and Employment si Ruffa na magbayad ng kompensasyon sa dalawang kasambahay.

Aniya, noong September 2022 ay sinubukang pag-ayusin sina Ruffa at ang dalawang kasambahay pero parehong ayaw ng kompormiso kaya’t itinuloy ang kaso.

Kaugnay nito inatasan ng DOLE si Ruffa na magbayad ng P13,299 sa mga kasambahay, gayundin ang kanilang hindi pa nababayarang sahod na pro-rated na 13th month pay sa loob ng 10 araw matapos niyang matanggap ang Notice of Finality Decision mula sa DOLE.

Ayon naman kay Ogie, tiwala itong tutugon si Ruffa sa desisyon ng DOLE at babayaran ang kaniyang obligasyon sa dalawang kasambahay dahil sa pagkakakilala nito sa aktres ay mabait ito

Matatandaan na una ng ibinunyag ni dating Commission on Elections Commisioner Rowena Guanzon noong Hulyo 2022 na pinalayas ni Ruffa ang dalawang kasambahay sa kanyang tahanan kayat nagsampa ng reklamo ang dalawa laban sa aktres.

Gayunman, itinanggi ni Ruffa ang mga akusasyon.