-- Advertisements --
Ibinunyag ng aktres na si Kaye Abad na nabiktima ito ng magnanakaw habang nasa Las Vegas.
Sinabi nito na ang masaya sanang bakasyon sa US nila ng asawang si Paul Jake Castillo at dalawang anak na lalaki ay napalitan ng lungkot dahil sa insidente.
Hindi niya lubos akalain na ang pamamasyal sa Las Vegas ay magtatapos sa police station.
Ninakaw ang kaniyang bag habang ito ay nasa loob ng sasakyan.
Abala sila sa pagkain ng isang oras at pagbalik sa sasakyan ay nawala na ang bag naglalaman ng mga ID at dalawang pasaporte.
Itinuring na lamang nito na isang aral kung saan mapapalitan din ang mga nawalang gamit.
Pinayuhan niya ang mga fans na ugaliing ingatan ang mga gamit at huwag ito iwanan kung saan.
















