KALIBO, Aklan —- Pumangatlo sa Veterinary Licensure Examinatioon noong Setyembre 2022 ang isang graduate ng Aklan State University ng Banga, Aklan.
Batay sa Professional Regulation Commission (PRC), ito’y sa katauhan ni Dr. Kent Solis Vicente na nakakuha ng 83.50% na rating.
Sinundan naman ito ng kanyang kapwa mag-aaral sa USC na si Mark Anthony Flordelis na may 83.80%.
Nanguna sa nasabing eksaminasyon si Kenny Vergara Pique ng University of the Philippines Los Baños na may 84.90% habang pumangalawa si Regina Isabelle Jaimee Ignacio Ranada na nagmula rin sa UP- Los Baños na may 84.52% rating.
Maliban kay Dr. Vicente, 13 iba pa ang pumasa mula sa ASU School of Veterinary Medicine.
Nabatid na ang ASU ay may 37.84% passing rate na mas mataas sa National Passing Rate na 36.10%.