-- Advertisements --
KALIBO, Aklan — May bagong alkalde ang bayan ng Kalibo sa Aklan sa katauhan ni dating 1st District Sangguniang Panlalawigan member Juris Sucro.
Nakamit ni Sucro ang pagkapanalo matapos makapagtala ng 25,907 votes, mas malaki kumpara sa katunggali na si Mayor Emerson Lachica na nakakuha ng 18,968.
Bigo si Lachica na maipagpatuloy ang ikalawang termino niya bilang alkalde ng Kalibo.
Samantala, natalo rin ang running mate ni Lachica na si Greg Malapad matapos na makapagtala lamang ng 16,783 laban kay Vice Mayor Cynthia dela Cruz na mayroong 25,788 votes.










