-- Advertisements --
Kinumpirma na ng sexy actress AJ Raval ang relasyon nito sa actor na si Aljur Abrenica.
Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng mga larawan nilang magkasama.
Isinabay nito ang pagbunyag sa araw ng mga puso kung saan mayroon din itong mga “sweet messages” sa actor.
Magugunitang noong 2021 ng mapabalitang mayroong relasyon ang dalawa matapos ang paghihiwalay ng actor sa asawang si Kylie Padilla.
Mariing itinanggi naman ni Raval na siya ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.