-- Advertisements --
Inilatag na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga plano nito para sa development ng Batanes matapos yanigin ng magkakasunod na lindol kamakailan.
Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade target i-expand ng gobyerno ang ilang paliparan at sea ports sa bawat isla ng lalawigan.
Ito’y matapos mahirapan ang ilang local official na magpadala ng tulong noon dahil sa hirap ng transportasyon mula Maynila.
Nitong Biyernes nang makipagpulong ang DOTr officials kay Batanas Rep. Ciriaco Gato.
Bukod sa expanded ports, nangako rin si Tugade na dadagdagan ang lighthouse ang 10 isla ng Batanes para sa maritime security ng probinsya.