Umani ng matinding batikos si U.S. President Donald Trump matapos niyang mag-post ng AI-generated image nang “Jesus-like figure” bago ito tuluyang binura sa social media platform niyang Truth Social.
Ang larawan ay inilabas kasabay ng panibagong pag-batikos ni Trump kay Pope Leo XIV, na tinawag niyang “weak on crime” at “terrible for foreign policy.”
Sa AI image, makikitang nakasuot si Trump ng puting robe at tila nagpapagaling ng isang tao, may hawak di siyang makinang na orb, habang nasa background ang mga simbolo gaya ng Statue of Liberty, agila, at fighter jets.

Nag-viral ang post at umani ng kritisismo maging mula sa ilang konserbatibong grupo na sumusuporta sa kanya at sa ilang mga kilalang personalidad sa conservative circles, na nagsabing hindi angkop na ginagawang “religious figure” ang isang politiko.
Ilang kritiko rin ang nagsabi na ang ganitong post ay maaaring makaapekto sa relasyon ni Trump sa religious right, na isa sa mga naging dahilan ng kanyang pagkapanalo noong halalan.
Ang White House tikom ang bibig hinggil sa insidente, habang ang post ay tinanggal na mula sa account ni Trump.















