-- Advertisements --
Mahigit kalahating bilyong peso na ang naitala ng Department of Agriculture (DA) sa agricultural damage dulot ng dalawang sunod-sunod na bagyo na tumama sa Northern Luzon.
Base sa assessment ng kagawaran, nasa P583.45 million ang production loss sa agriculture sector mula sa P427.77 million dahil sa bagyong Maymay at Neneng.
Nasa 21,986 hectares na agricultural lands ang apektado ng bagyo mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, at Cagayan Valley.
Aabot naman sa 36,872 metric tons ng crops ang sinira ng bagyo habang nasa 21,324 farmers at fishers ang apektado.
Kabilang sa mga apektadong produkto ang palay, mais, mataas na halaga ng mga pananim, mga alagang hayop at manok, at pangisdaan.