-- Advertisements --
Umakyat pa sa P1.4-bilyon ang halaga ng danyos na iniwan sa sektor ng agrikultura nang nagdaang bagyong Ambo sa Pilipinas.
Ayon sa DA, mas mataas na ito mula sa P185-milyong danyos na kanilang nakalkula nitong nagdaang weekend.
Katumbas daw ng bilyong pisong pinsala ang lugi sa higit 62,000-toneladang produksyon ng agricultural products.
Pati na higit 20,000 ektaryang agricultural lands, at higit 21,000 magsasaka at mangingisda.
Ang dagdag na numero pa raw sa danyos ay galing sa mga datos ng regional offices sa Calabarzon, Bicol, Eastern Visayas at Central Luzon.
Ang 73-percent ng total damage ay naitala sa mga high value crops. Mula rito, 87-percent ang naging pinsala sa mga saging at papaya sa Quezon province.