-- Advertisements --

ROXAS CITY – Na-rescue ng mga isang pamilya ang isang agila sa Sitio Kalingawan, PobLacion Tabuc, Panay, Capiz.

Nakatanggap ng impormasyon ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) na may nakitang agila ang mag-inang Cristy ‘’Becbec’’ Borres at anak na si Julius Borres.

Kaagad pinuntahan ng mga kasapi ng Panay Municipal Police Station ang nasabing lugar para tiyakin ang impormasyon.

Matapos makuha ang agila, ay kaagad dinala ito sa PENRO office para sa proper disposition.