-- Advertisements --
Nanatiling hindi gumagalaw ang bagyong “Agaton” kung saan nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signala (TCWS) signal number 1 ang apat na lugar ng bansa.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro nito sa 115 km East Southeast ng Guiuan, Eastern Samar.
Mayroong dalang lakas na hangin na 55 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 70 kph.
Nakataas ang signal sa Eastern Samar, Dinagat Islands, Siargao at Bucas Grande Islands.
Nagbabala ang rin ang PAGASA na hindi ligtas ang lumayag dahil sa banta ng nasabing bagyo.
Inaasahan na lalong lalakas pa ang nasabing bagyo ng hanggang 24 na oras.










