-- Advertisements --
Tinuldukan na mismo nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang mga nakaraang ispekulasyon na umano’y break na sila.
Ito’y matapos ang sweet message ng 39-year-old TV host at 27-year-old actress sa isa’t isa kasabay ng kanilang ika-apat na taon bilang magkasintahan.
Simpleng “i love you” lamang sa bersyon ni Jessy, habang si Lucky naman ay looking forward daw sa mas marami pang taon ng “ups and downs” sa kanilang relasyon.
Tila nagka-debate naman sa comment section sa Instagram ng celebrity “love birds” dahil sa magkahalong tuwa at kantyaw ng kanilang mga followers na magpakasal na ang dalawa.
Kung maaalala, lumutang ang isyung hiwalay na sina Mendiola at Manzano dahil sa nabigyang-malisya na post ni Jessy patungkol sa freedom o kalayaan.