-- Advertisements --

Binigyang pugay ng actor na si Aga Muhlach ang namayapang talent manager nito na si Ethel Ramos.

Sa kaniyang social media account ay emosyonal na inalala ng actor ang mga masayang alaala nila ng talent manager.

Sa loob aniya ng 30 taon ay naging makulay ang pagsasama nilang dalawa.

Magugunitang pumanaw ang 87-anyos na entertainment columnist at talent manager nitong Linggo.

Kasalukuyang nakaburol ang mga labi nito sa National Chapels and Crematory sa Araneta Avenue sa Quezon City.