-- Advertisements --
Hindi inaalis ng Phivolcs ang posibilidad na magkaroon pa ng aftershocks hanggang sa mga susunod na linggo o sa susunod na taon, sa lalawigan ng Batangas at mga karatig na lugar.
Bunsod ito ng 6.3 magnitude na lindol na naitala kaninang umaga sa bayan ng Calatagan.
Katunayan, ngayon pa lang ay may 15 pagyanig nang nai-record ang mga eksperto, matapos ang main quake na naramdaman hanggang sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.
Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, normal lang ang mga kasunod na pagyanig, matapos ang isang malakas na lindol.
Ilan aniya sa aftershocks ay tumatagal ng linggo at buwan, depende sa lakas at lalim na pinagmulan ng enerhiya.
Nilinaw din ng opisyal na tectonic ang pinanggalingan ng lindol at hindi sa Taal volcano.










