-- Advertisements --

1AFP

Umapela ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilang grupo at indibidwal na iwasang idamay ang kanilang organisasyon sa kanilang anumang political agenda.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala, nanatiling non partisan o apolitical ang buong hanay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at nakatuon ang militar sa kanilang mandato na protektahan ang sambayanang Pilipino at estado.

Giit ni Zagala, mahigpit ang paalala ni AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino sa kanilang hanay na dumistansiya sa kaninumang pulitiko lalo sa kanilang mga aktibidad ngayong panahong halalan.

Ang apela ng AFP ay kasunod ng mga isyung hindi umano pinapasok sa Camp Aguinaldo sa Quezon City si Presidential Candidate Leni Robredo kamakailan.

Bukod dito, isa raw sa mga supporters ni Robredo ang pinaalis sa isang parking area sa San Fernando Airbase.
May mga lumalabas ding balita na sinusuportahan din ng militar si VP Leni.