-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng 8th Infantry Division ng Philippine Army ang pinansiyal na tulong at iba pang ayuda para sa pamilya ng mga nasawing sundalo.

Ito’y kasunod ng nangyaring labanan sa pagitan ng mga sundalong Army at nasa 50 miyembro ng New People’s Army sa Borongan, Eastern Samar kung saan anim na sundalo ang nasawi habang 20 ang sugatan.

Patay naman ang isang miyembro ng rebeldeng grupo.

Ayon kay 8th ID Spokesperson Capt. Reynaldo Aragones, rumesponde ang mga tauhan ng 14th Infantry Battalion sa sumbong ng mga residente hinggil sa ginagawang pangingikil ng mga rebelde.

Pinaniniwalaan aniyang pagawaan ng IED ang lugar kung saan sumiklab ang engkuwentro kaya’t may mga nakatanim na IED.

Dahil sa pagsabog maraming sundalo ang naging casualties.