-- Advertisements --

Tiniyak ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na patuloy ang pagbibigay ng seguridad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Vice President Sara Duterte.

Kasunod ito sa pag-recall ng security details ng Bise President noong nakaraang mga buwan.

Dagdag pa nito na kahit na binuwag na ang security details ni Duterte ay nasisiguro naman ang seguridad nito.

Lahat aniya ng mga mandated officials ay mayroong nakatalagang security.