-- Advertisements --
Maigting na binabantayan ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Kalayaan Island Group sa may West Philippine Sea matapos mamataan noong Hunyo 30 ang kumpulan ng mahigit 48 fishing vessels malapit sa Iroquois reef na nasa timog na bahagi ng Recto Bank na mayaman sa langis at gas.
Ayon sa AFP, katuwang ang iba pang mga ahensiya ng gobyerno na nasa ilalim ng Area Task force (ATF)-West, aktibong nakabantay ang mga ito sa developemnts sa Kalayaan Island Group.
Kasalukuyang hawak na rin ng National Task force -West Philippine Sea ang kaso kaugnay sa insidente sa naturang reef.
Una na ring napaulat na nasa 3 barko ng China Coast Guard at 2 People’s Liberation Army Navy vessels ang namamataang regular na umaaligid sa may Sabina shoal.