
Nagpadala ng 32-person medical team ang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Cebu City para tumulong sa Covid-19 response sa naturang siyudad.
Ang medical team ay binubuo ng siyam na doktor, 10 nurses at 13 medical aides.
Bago pa man bumiyahe patungong Cebu ang medical team na pinangalanang Task Group Central ay sumailalim muna sa swab test ang mga ito at flu vaccination.
Ang TG Central ay pinangunahan ni Major Maria Adesitas Sagario.

Alas-8:00 kaninang umaga ng umalis sa Villamor Air Base sa Pasay City ang Philippine Air Force Aircraft patungong Cebu.
Pinangunahan nina Environment Secretary Roy Cimatu at AFP Vice Chief of Staff Vice Admiral Gaudencio Collado Jr., at chief implementer of the government’s COVID-19 response Secretary Carlito Galvez Jr. ang simpleng seremonya.

Mensahe ni Cimatu sa medical na ingatan ang kanilang mga sarili at gawin ang kanilang trabaho bilang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Base sa datos ng Health Department, ang Cebu City ay nakapagtala na ng 4,417 Covid-19 cases as of June 26.
Nasa 405 medical personnel na ang nadeploy ng AFP sa ibat ivbang quarantine facilities sa buong bansa.
Higit 1500 doctors, nurses at military medical auxilliary ang deployed ngayon sa ibat ibang military treatment facilities sa buong bansa.
Siniguro naman ni AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos ang suporta ng AFP sa Covid-19 response ng pamahalaan.










