Mas paigtingin pa ng reserve units ng Armed Forces of the Philippines ang pagpapatupad ng mga polisiya at direktiba para sa Reservoce Force Development.
Bahagi ito ng naging talakayin sa ginanap na Reservist and Retiree Affairs Family Conference para sa 1st Quarter ng taong 2024 na inorganisa naman ng Office of the Deputy Chief of Staff for Reservist and Retiree Affairs na pinamumunuan naman ni MGen. Alejandro Joel Nacnac.
Ang AFP Reserve Force Development Strategy 2023-2028 ay ang pangkalahatang dokumento ng Hukbong Sandatahan para sa pagbuo ng Reserve force partikular na sa usapin ng organization, capacity enhancement, equipage administration, utilization, mobilization, at sustainment.
Samantala, kabilang din sa mga dumalo sa naturang aktibidad ay si Capt. Edwin Ello, ang Assistant Chief ng unified Command Staff for Reservist and Retiree Affairs ng Western Mindanao Command.
Dito ay nakasama rin niya ang iba pang mga military officials mula sa iba’t-ibang mga reserve units, major services, at unified commands na pawang nagbahagi rin ng kanilang mga best practices para sa implementing plans para sa AFP Reserve Force Development Strategy 2023-2028.