-- Advertisements --

FA503

Tiniyak ni AFP Chief of staff Gen. Cirilito Sobejana na bibili pa ng karagdagang eroplanong pandigma ang AFP para mapatatag ang air defense ng bansa.

Ang pagtiyak ay ginawa ni Sobejana sa kanyang pagbisita sa Philippine Air Force (PAF) 5th Fighter Wing headquarters sa Basa Air Base, kahapon.

Matapos makilahok si Sobejana sa FA-50PH Tactical Capability Demonstration Flight, sinabi ng Heneral na nasaksihan niya ang kahalagahan ng mga air assets sa laban kontra terrorismo.

FA501

Pagkatapos ng demonstration flight, Si Gen. Sobejana ay hinandugan ng Mach 1+ Patch ni Brigadier General Fabian Pedregosa, Wing Commander ng 5th Fighter Wing; Mach Buster Certificate ni Major General Connor Canlas, Commander of the Air Defense Command; at ang FA-50PH Patch ni Lieutenant General Allen Paredes, Commanding General ng PAF.

Una nang Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzan na Plano ng AFP na kumuha ng 12 pang multi-role fighters na pandagdag sa kasalukuyang 12 FA-50PH ng Air Force.