-- Advertisements --

afpcent1

“All-set” na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbibigay seguridad sa nalalapit na May,9, 2022 national and local elections.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, nakahanda na ang mga sundalo sa pagbibigay seguridad sa halalan.
Maging ang kanilang mga kagamitan ay naka preposition na rin.

Sinabi ni Centino, naka alerto din ang militar sa anumang uri ng banta sa araw ng halalan at kaisa din sila sa hangarin ng ibat ibang sektor ng gobyerno na maging maayos, malinis ang election.

Nakalatag na rin ang seguridad ng militar lalo na sa mga lugar na may mataas na banta lalo na sa mga local terrorist group.

Nakiisa ang AFP kanina sa isinagawang Multi-Agency Send-Off Ceremony of Security Forces, kasama ang PNP, Comelec, DepEd at Phil. Coast Guard.

afpcent3

Ipinagmamalaki din ni Gen.Centino na inadopt ng Comelec ang kanilang mungkahi, na pigilan ang mga kandidato na magbigay ng pera sa mga nangingingikil sa kanila lalo na ang extortion schemes ng Communist Party of the Philippines- New Peoples Army (CPP-NPA-NDF).

” The AFP expresses the importance of issuing a promulgation which shall inform our elections candidates that giving monetary contributions to the CPP-NPA-NDF as permit to win fees are election offenses and grounds for disqualifications as covered by existing laws,” pahayag ni Gen. Centino.

Ang AFP, PNP at PCG ay inatasan na magbigay ng seguridad sa ibat ibang polling centers sa bansa kabilang ang mga election materials at paraphernalia,” wika ni Centino.

Parte din ng election duties ng mga sundalo, pulis at coast guard ay magbigay ng seguridad sa mga Comelec personnel.

” I urge all uniformed personnel to remember that the Filipino people trust us to secure the sanctity of their votes, as is their constitutional right to have a say in the future. Let us perform our duties with an utmost dedication that bespeaks our strong hearts for public service. Be assured of the trust and confidence in the AFP,” dagdag pa ni Gen. Centino.