-- Advertisements --

Hindi pa makumpirma sa ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung totoo ngang patay na si Abu Sayyaf Group (ASG) subleader Idang Susukan sa engkuwentro kamakailan laban sa 41st Infantry Battalion (IB) sa Sulu.

Ayon kay AFP Spokesperson B/Gen. Edgard Arevalo, may mga ulat na malubha raw itong nasugatan at kalaunan ay pumanaw na rin.

May mga hakbang na ring ginagawa sa ngayon ang mga tropa sa ground para makumpirma na patay na nga si Idang Susukan.

Sinabi ni Arevalo sakaling totoo na patay na si Susukan, malaki umanong kawalan sa liderato ng teroristang grupo ang pagkamatay nito.

Sa panig naman ni 11th Infantry Division at Joint Task Force Sulu Commander B/Gen. Divino Rey Pabayo, kanilang hinahanap sa ngayon ang lugar kung saan inilibing si Idang Susukan kaya hindi pa nito makumpirma na patay na nga ito.