-- Advertisements --

Ibinahagi ng actress na si Andrea Brillantes kung paano niya nalabanan ang COVID-19.

Sinabi nito na kahit na asymptomatic ay naka-isolate siya.

Bukod sa COVID-19 ay nalampasan nito ang insomia at ang pagkabalisa.

Sa araw aniya ay nakakayanan nito dahil sa nagbabasa siya ng libro at pagdating naman ng gabi ay nahirarapan na siyang matulog dahil sa insomia.

Nagsimula ang insomia nito pagpasok sa showbiz dahil nagbago ang kaniyang bodyclock.

Lagi din aniya itong binabangungot at nagkakaroon ng sleep paralysis.

Habang naka-isolate ay nagpakunsulta na rin ito.

Payo sa kaniya ng mga doctor ay huwag na lamang daw niya isipin ang maling pangyayari para ito ay makatulog agad.