Napatunayang “Guilty” Ng Sandiganbayan Seventh Division ang actor at dating Quezon City Councilor na si Roderick Paulate para sa Graft at siyam na bilang ng Falsification of Documents kaugnay ng pagkuha ng “Ghost Employees” noong 2010.
Hinatulan si Paulate ng hanggang walong taong pagkakakulong dahil sa kasong graft at hanggang anim na taong pagkakakulong sa kada bilang ng falsification offense.
Nag-ugat ang reklamo sa pag-hire diumano ni Paulate ng 30 “Ghost” contractors sa kanyang opisina mula Hulyo hanggang Nobyembre ng taong 2010, dahilan para kasuhan siya ng Office of the Ombudsman noong 2018.
Kabilang sa mga kinakaharap niyang kaso ang:
Paglabag sa section 3(E) ng Republic Act 3019 O Anti-graft and Corrupt Practices Act, Falsification by a Public Officer, Falsification of Public Document (8 Counts).
Dahil din sa graft conviction, habambuhay ng disqualified si Paulate sa anumang posisyon sa gobyerno.
Kasamang na-convict ni Paulate para sa graft charges ang kaniyang driver at liason officer na si Vicente Bajamunde.
Sa kabila nito, abswelto si bajamunde sa falsification cases.
Kaugnay ng graft case, kailangang bayaran nina Paulate at Bahamunde ang gobyerno ng halagang P1.109 Milyon, na may interes na 6% per annum hanggang mabayaran g buo.
Kakailanganin ding bayaran ng aktor ang multang P10,000 para sa kasong falsification by a public officer.
Bukod pa Ito sa P10,000 multang kailangan niyang bayaran kada count ng falsification of public document.
Taong 2018 ng maghain si Paulate ng piyansa para sa mga nabanggit na reklamo.
Pinatawan siya noon ng 90-araw na suspensyon ng Department of the Interior and Local Government noong dinidinig pa lang ang nasabing reklamo.