-- Advertisements --

Humingi na ng paumanhin ang actor-politician na si Arron Villaflor matapos na batikusin ito sa pakikiramay sa mga biktima ng lindol sa Cebu.

Umani kasi ng kritisismo ang pakikidalamhati ni Villaflor sa kaniyang social media account.

Makikita kasi na tila nagdarasal ito kung saan itinuturing ng iba na ginaya si “Santino” o si “Honesto”.

Dagdag pa ng Tarlac Board Member, na kaniyang pinabura sa kaniyang social media team ang post.

Giit nito na magsisilbi na itong aral sa kaniya na maging maingat na lamang sa mga post nito sa social media.