-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 ang tv host at actor Luis Manzano.
Sa kaniyang social media account ay kinumpirma nito ang pagpositibo niya sa virus.
Ito aniya ang unang pagkakataon na dinapuan ng actor ng virus mula ng magpandemic tatlong taon na ang nakakaraan.
Magugunitang noong nakaraang taon ay nagpositibo rin ang asawa nito ng si Jessy Mendiola subalit hindi ito nahawaan.
PInayuhan ng actor ang mga fans na ugaliing mag-ingat dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.