Nahaharap sa panibagong pitong sexual offense ang Oscar-winning actor na si Kevin Spacey.
Ayon sa Metropolitan Police ng London, kinasuhan ang 63-anyos na actor ng lalaking unang nagreklamo sa kaniya sa pagitan ng 2001 at 2004.
Pinayagan naman ng Crown Prosecution Service (CPS) ng United Kingdom ang pagsampa ng dagdag na kaso sa actor.
Nakatakdang dumalo sa ang actor sa Westminster Magistrates’ Court sa London sa darating na Disyembre 16.
Magugunitang noong Hulyo ay naghain ng not guilty plea ang actor sa korte sa London para sa apat na sexual assault ang isang count ng penetrative sexual activity without consent na itinakda sa susunod na taon ang pagdinig.
Noong Oktubre naman ay napatunayan ng mga hurado sa New York na walang pananagutan ang actor sa pananakit sa alegasyon ng actor na si Anthony Rapp na pinatungan umano ito noong 1986.