-- Advertisements --

Sinampahan ng four counts ng sexual assault sa United Kingdom ang Hollywood actor na si Kevin Spacey.

Ayon sa Britain’s Crown Prosecution Service (CPS) na bukod sa nasabing kaso ay nahaharap din siya ng one count of sexual activity without consent.

May kinalaman ang kaso na nangyari noong 2005 sa London, dalawa noong 2008 at isa sa Gloucestershire, western England noong 2013.

Sinabi ng Metropolitan Police sa London na ang biktima noong 2005 ay nasa 40-anyos na ngayon habang ang dalawang lalaki na sangkot noong 2008 at 2013 ay may edad na ngayon ng 30.

Inilabas ang desisyon na sampahan ang actor matapos ang ginawang pag-aaral sa mga ebidendiya na nakalap ng Metropolitan Police Service.

Ang kaso ay hindi pormal na maisasakatuparan hanggang hindi nagtutungo ang actor sa England o sa Wales.

Ang actor ay nagwagi ng dalawang Academy Awards sa pelikulang “The Usual Suspects” at “American Beauty”