-- Advertisements --

Inanunsyo mismo ng komedyanteng si Michael V na nagpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Bitoy, nakaranas daw siya ng flu-like symptoms noong huling beses na sinubukan niyang mag-video blog.

“Siyempre nag-isolate na kagad ako, nag-quarantine na kagad ako. I took medicine nagpa-check up ako sa doctor online, I got better the following day,” wika ni Bitoy.

Agad daw itong nag-isolate makaraang makaramdam na raw siya ng sintomas ng sakit, gaya ng pagkawala ng kanyang pang-amoy.

Natanggap niya raw ang kanyang COVID-19 results sa ikawalong araw ng kanyang isolation, kung saan lumabas na kinapitan na rin ito ng virus.

“SARS-CoV-2 viral RNA detected, so it’s positive right now. Fever na lang, yung loss of smell nare-regain ko na siya,” ani Bitoy.

Sa ngayon, nasa proseso na raw ang 50-year-old actor sa paglaban sa sakit.

“Alam kong hindi normal yung nawala yung pang-amoy ko and I was counting na may kinalaman talaga yun sa COVID but I was praying na wala but it turns out… tutuloy lang natin mga sinabi satin na kailagan gawin and we’ll get through this, we’ve been through worse sobrang namimiss ko na yung pamilya ko.”

Kung maaalala, ilang mga artista na rin ang dinapuan ng COVID-19 gaya nina Isa Calzado at Christopher de Leon.